Ipinahayag nitong Huwebes, Hunyo 20 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing pagtutol sa lehislasyon ng isang senador na Amerikano laban sa kompanyang Tsino. Hindi dapat gamitin ang kapangyarihang pang-estado para masugpo ang mga kompanyang Tsino, dagdag ni Lu.
Iniharap kamakailan sa Kongreso ni Senador Marco Rubio ang pagsusog sa 2020 National Defense Authorization Act (NDAA). Batay sa nasabing pagsusog, ang mga kompanyang nasa takdang mga listahan ng pagbabantay o watch list, na kinabibilangan ng kompanyang Tsino na Huawei ay hindi pahihintulutang maghanap ng tulong o relief, batay sa mga batas na Amerikano na may kinalaman sa patente. Ipagbabawal din ang paghain ng sakdal kaugnay ng panghihimasok sa patente o patent infringement.
Ani Lu, ang nasabing lehislasyon ay nakakapinsala sa imahe ng Amerika, at maaapektuhan din ang interes ng mga bahay-kalakal na Amerikano.
Salin: Jade
Pulido: Rhio