Inilabas, kahapon, Linggo, ika-30 ng Hunyo 2019, ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma at Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang mga bagong negative list para sa foreign investment market access.
Ayon sa mga listahan, simula Hulyo 30, ibayo pang paluluwagin o aalisin ang mga limitasyon sa mga sektor ng 7 malaking larangang gaya ng transportasyon, imprastruktura, kultura, value-added telecommunication, manupaktura, pagmimina, at agrikultura.
Dalawang uri ang naturang mga inilabas na negative list. Isa ay para sa mga pilot free trade zone (FTZ) ng Tsina, at isa ay para sa iba pang lugar ng bansa. Sa listahan para sa mga FTZ, 37 ang mga aytem, at ito'y mas kaunti kaysa 45 aytem sa dating listahan. Sa listahan naman para sa non-FTZ area, 40 ang mga aytem, na mas makaunit kaysa 48 aytem sa dating listahan. Sa gayon, maaaring patakbuin ng mga mamumuhunang dayuhan ang mga majority-share-controlling o wholly-owned business sa mas maraming sektor sa Tsina.
Ipinahayag naman ng panig Tsino, na ang pagpapalabas ng naturang mga negative list ay mahalagang hakbangin ng Tsina para sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Salin: Liu Kai