|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni US President Donald Trump na resulta ng pagdaragdag ng taripa sa mga produktong Tsino, lilipat ang produksyon ng mga bahay-kalakal sa Biyetnam at iba pang bansang Asyano mula sa Tsina. Kaugnay nito, ipinagdiinan Martes, Mayo 21, 2019 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananatili pa ring matatag ang kompiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan sa Tsina.
Ani Lu, ang kilos ng Amerika na nakakasira sa regulasyong pangkalakalan ay nagdudulot ng ilang epekto sa pamilihang Tsino at pandaigdig. Ngunit gagawin ng mga bahay-kalakal ang kanilang estratehikong analisis ayon sa prospek ng kabuhayan para magsagawa ng kanilang pagpiling pampatakaran sa direksyon ng pamumuhunan.
Diin din ni Lu, tulad ng dati, winiwelkam ng Tsina ang pagsasagawa ng mga dayuhang bahay-kalakal ng kanilang negosyo sa Tsina. Patuloy aniyang magkakaloob ang Tsina ng mas matatag, pantay, maliwanag, at inaasahang kapaligirang pampamumuhunan at pangnegosyo para sa mga dayuhang mamumuhunan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |