|
||||||||
|
||
Osaka — Inilahad nitong Sabado, Hunyo 29, 2019, ni Wang Xiaolong, Espesyal na Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa G20 at Puno ng Departamento ng Kabuhayang Pandaigdig ng ministring ito, ang nagawang pagsisikap at natamong target ng panig Tsino sa G20 Summit sa Osaka.
Sinabi ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, ang isyu ng pagbabago ng klima ay nananatiling pangunahing paksang pinag-uusapan sa G20 Summit. Aniya, bagama't nagbabago ang atityud ng pamahalaang Amerikano sa "Paris Agreement on Climate Change," sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, narating pa rin ng iba't-ibang panig ang mga komong palagay tungkol sa pagsasagawa ng climate change cooperation sa G20 na kinabibilangan ng pagtutupad ng "komon at diskriminadong prinsipyo," mahigpit na pagsasama-sama ng pag-unlad ng kabuhayan, pangangalaga sa kapaligiran, at pagharap sa pagbabago ng klima, at pagpapasulong ng mga kaukulang kooperasyon.
Isiniwalat din niya na sa nasabing Osaka Summit, nagkasundo ang mga kalahok hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |