Mariing tinutulan ng Tsina ang pakikialam ng ilang bansang dayuhan sa suliranin ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Sa regular na preskon nitong Martes, Hunyo 2, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang marahas na pagsugod o storming sa Legislative Council (LegCo) Complex ng HK na nangyari nitong Lunes ay labag sa batas at nagsapanganib sa kaayusang panlipunan.
Diin ni Geng, bilang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, ang mga suliranin ng HK ay mga suliraning panloob ng Tsina.
Magkakasunod na ipinalabas ng Estados Unidos, Britanya at Enyong Europeo (EU) ang kani-kanilang pahayag na nagsasabing ang mga taga-Hong Kong ay may karapatang magsagawa ng mapayapang protesta, at kailangang iwasan ang karahasan. Bilang tugon, tinanong din ni Geng ang nasabing mga bansang dayuhan kung ano ang gagawin nila kung ang karahasan ay mangyayari sa kani-kanilang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio