Magkakasunod na kinondena ng iba't ibang sektor ng Hong Kong ang karahasang naganap kamakailan sa Legislative Council Building. Hinimok ng mga media at di-pampamahalaang organisasyon na mahigpit na ipatupad ng pamahalaan at kapulisan ang batas para sa pangangalaga ng kabuhayan at katatagan ng Hong Kong.
Inilabas Hunyo 3, 2019, ang editoryal ng Ta Kung Pao, pahayagan ng Hong Kong na ang karahasang naganap unang araw ng Hulyo ay gumising sa kamalayan ng mga mamamayan at yumurak sa pangangasiwang pambatas ng Hong Kong.
Tinukoy ng Wen Wei Po, isa pang pahayagan ng Hong Kong na inklusibo at rasyonal ang karamihan ng mga mamamayan ng Hong Kong, at ito ay matatag na batayan ng katatagan ng lipunan. Ipinahayag naman ng komentaryo ng Hong Kong Business News na ang paninira sa Legislative Council Building sa pamamagitan ng karahasan ay masamang modelo ng kilos protesta. Inaasahang magkakaroon ng pagkakaisa ang iba't ibang sektor ng Hong Kong para mapanumbalik sa normal na kaayusan ang lipunan.
Ipinalabas naman Hulyo 3, 2019 ang magkasanib na pahayag ng mahigit 100 propesyonal sa sektor ng batas na kumundena sa karahasan, at tinukoy nitong ang nasabing aksyon ay labag sa batas at nakakasira ng dignidad ng lehislatibong lupon ng Hong Kong.
Salin:Lele