|
||||||||
|
||
Beijing — Magkahiwalay na kinatagpo nitong Biyernes, Hulyo 5, 2019 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sina Abulkalam Abdul Momen, Ministrong Panlabas ng Bangladesh, at Masood Halid, Embahador ng Pakistan sa Tsina.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Momen, sinabi ni Wang na naging napakatagumpay na biyahe sa Tsina ni Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh. Aniya, sa pamamagitan ng biyaheng ito, napalalim ng mga lider ng dalawang bansa ang pagkakaibigan at narating ang mahalagang komong palagay.
Kaugnay ng isyu ng Rakhine State, ipinagdiinan ni Wang na kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapalakas ng Bangladesh at Myanmar ng kanilang pagkokoordinahan at pag-uugnayan para maayos na mahawakan ang pagkakaiba. Ito aniya ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at buong rehiyon.
Ipinahayag naman ni Momen ang pasasalamat ng kanyang bansa sa ibinibigay na pagkatig ng Tsina sa mahabang panahon. Nakahanda aniya ang Bangladesh na ibayo pang palakasin ang estratehikong partnership sa Tsina.
Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Halid, ipinahayag ni Wang na bilang matibay at matapat na kaibigan ng isa't-isa, dapat ibayo pang patibayin at paunlarin ang relasyon ng dalawang bansa upang makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Halid na lipos ang kanyang kompiyansa sa magandang kinabukasan ng pagkakaibigang Pakistani-Sino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |