Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Patuloy na pagpataw ng presyur, paiigtingin lamang ang situwasyon

(GMT+08:00) 2019-06-22 15:30:08       CRI

Sa katwirang "pagkabahala sa pambansang seguridad," nailakip nitong Biyernes, Hunyo 21 (local time), 2019, ng Kagawaran ng Komersyo ng Tsina, ang limang Chinese entities sa "Entity List" ng pagbibigay-limitasyon sa pagluluwas kung saan ipinagbabawal ang pagbili ng nasabing Chinese entities ng mga kagamitan mula sa mga American suppliers. Magkakabisa ang kaukulang kapasiyahan sa Hunyo 24.

Makaraang mapaloob ang Huawei Company, telecom giant ng Tsina, sa "Entitiy List," ito ang isa pang unilateral na sangsyong isinagawa ng Amerika sa mga bahay-kalakal na Tsino. Kabilang sa mga nailakip na kompanyang Tsino sa listahan ay ang mga bahay-kalakal na nagdedebelop ng super-computer. Sa pinakahuling listahan ng top 500 companies ng super-computer sa buong daigdig na isinapubliko kamakailan, magkahiwalay na nakahanay sa ika-3 at ika-4 na puwesto ang

"Sunway TaihuLight" at "Tianhe-2" ng Tsina, at umabot sa 219 ang bilang ng mga super-computers ng bansa sa listahan. Bagama't nasa unang puwesto sa listahan ang American super-computer na "Summit," 116 na American super-computers lamang ang nakikita sa nasabing listahan. Malinaw na sa larangan ng super-computers na nakakapagpasulong sa pag-unlad ng industriya at paglilikha ng serye ng high-tech products, nagiging mas mainit ang kompetisyon sa pagitan ng Tsina at Amerika. Sa kalagayang ito, tulad ng pagpigil sa 5G technology ng Huawei, layon ng paglakip ng Amerika ng limang kaukulang kompanyang Tsino sa "Entity List" na putulin ang supply chains ng mga kompanyang Tsino, at pahinain ang puwersang pansiyensiya't panteknolohiya, at pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.

Ang isinasagawang serye ng aksyon ng panig Amerikano ay hindi nagpapakita ng mithiin nitong totohanang lulutasin ang problema. Ito ay makakapinsala sa kapakanan ng mga bahay-kalakal ng kapwa panig. Bukod dito, hindi matatamo ng mga ginawa ng Amerika ang anumang resulta.

Sa isang dako, sa kasalukuyan, mayroong mahigit 170 milyong highly-educated at skilled talents sa Tsina, at pumangalawa sa daigdig ang laang-gugulin nito sa pagsubok-yari. Nasa unang puwesto sa daigdig ang bilang ng mga aplikasyon at pagbibigay-awtorisasyon sa mga Chinese patents. Ang ginagawang hegemonyang pansiyensiya't panteknolohiya ng Amerika ay hindi makakahadlang sa pag-unlad ng inobasyon ng Tsina.

Sa kabilang dako, nagiging matatag at palagian ang atityud ng Tsina sa trade talks na dapat lutasin ang problema sa pamamagitan ng pantay na diyalogo. Dapat pakitunguhan nang pantay ng panig Amerikano ang mga kompanyang Tsino, at huwag isagawa ang mga di-pantay na kompetisyon sa porma ng pagpigil at pag-atake. Kung mapipinsala ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino, isasagawa ng panig Tsino ang mga katugong hakbangin sa mga foreign entities alinsunod sa sistemang "Unreliable Entities List."

Isang linggo na lamang ang natitira bago magtagpo muli ang mga lider ng Tsina at Amerika sa Osaka. Sa panahong ito, dapat ipakita ng mga grupong pangkalakalan ng dalawang panig ang katapatan sa paglutas sa problema, at dapat din nilang gawin ang mas maraming mabuting bagay para resolbahin ang pagkakaiba ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>