|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa Beijing Martes, Hulyo 9, 2019 ni He Jinguo, Puno ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Karalitaan ng Pambansang Lupon ng Kalusugan ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, kasama ng mga kaukulang departamento, naging pokus ng pagsisikap ng nasabing lupon ang pagpigil sa illness-related poverty. Bunga nito, malinaw na tumaas ang kakayahan ng pagbibigay-serbisyo ng mga organong medikal at pangkalusugan sa mga mahirap na lugar ng bansa, nagkaroon ng kakayahan ng lapatan ng agarang lunas ang mga maysakit, at nabawasan nang malaki ang medical expense ng mga maysakit.
Ayon kay He, hanggang noong katapusan ng nagdaang buwan, nakuha ng halos 14.4 na milyong mahirap na maysakit ang simpleng gamot, at malinaw na bumaba ang kanilang pasanin sa pagpapagamot.
Inamin pa ni He na bagama't natamo ng health poverty alleviation ang ilang tagumpay, umiiral pa rin sa ilang lugar ang mga namumukod na problemang gaya ng kakulangan ng doktor, at mababa sa istandard ng imprastruktura ng ilang pasilidad na medikal. Bilang tugon, binalangkas ng Pambansang Lupon ng Kalusugan at mga kaukulang departamento ang mga dokumentong pampatnubay para komprehensibong malutas ang mga namumukod na problema ng mga mahirap na maysakit sa buong bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |