Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Tsina — Idinaos Martes, Hunyo 25, 2019, ang simposyum na pinamagatang "Inspirasyon ng mga Karanasan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea sa Pagpapa-ahon ng Kanayunan para sa mga Bansang ASEAN." Layon nitong palakasin ang pagpapalitan at pagbabahaginan ng karanasan ng pag-unlad ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, talakayin ang tungkol sa kooperasyon ng tatlong bansa at mga bansang ASEAN sa mga larangan, at ipagkaloob ang karanasan ng pagpapaunlad ng kanayunan at pagbabawas ng karalitaan sa mga iba pang umuunlad na bansang Asyano.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, tinukoy ni Zhang Guangping, Pangalawang Direktor ng International Poverty Reduction ng Tsina, na ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3) ay nagsisilbing pangunahing tsanel ng kooperasyon ng Silangang Asya. Aniya, kung paanong mapapakinabangan ang regional development result ng mas maraming mamamayan ng iba't-ibang bansa ay nagiging pangunahing paksang kinakaharap ng 10+3 cooperation.
Dumalo rin sa nasabing simposyum ang 45 opisyal, iskolar, eksperto, at kinatawan mula sa Tsina, Hapon, Timog Korea, at walong bansang ASEAN.
Salin: Li Feng