Si Dr. Kanit Sangsubhan, EEC Committee Secretary-general
Ang Eastern Economic Corridor (EEC) ng Thailand ay tinaguriang "flagship project" ng pambansang estratehiyang pangkaunlaran ng bansang ito na nakakaakit ng malaking pansin ng mga mamumuhunan sa buong daigdig na kinabibilangan ng mga bahay-kalakal ng Tsina. Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Dr. Kanit Sangsubhan, EEC Committee Secretary-general, na ang Thailand ay buong tatag na tagapagsuporta sa malayang kalakalan. Hinahangaan din niya ang posisyon ng Tsina sa pangangalaga sa malayang kalakalan.
Kaugnay ng kasalukuyang trade friction ng Tsina at Amerika, ipinahayag ni Kanit na bilang bahagi ng global trade chain, tiyak na nakakaapekto sa Thailand ang hidwaang pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Ngunit, isusulong din nito ang mas mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Thailand, sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan, aniya pa.
Sa kasalukuyan, isinagawa ng Huawei Company ang 5G testing sa EEC na naging unang 5G testing sa mga bansang ASEAN. Kaugnay ng posibleng ipapataw na presyur mula sa Amerika, ipinahayag ni Kanit na hindi isasagawa ng kanyang bansa ang diskriminasyon sa pagnegosyo ng anumang dayuhang bahay-kalakal sa Thailand. Diin pa niya, ang konstruksyon ng EEC ay di-maihihiwalay sa 5G technology.
Salin: Li Feng