Ayon sa ulat Miyerkules, Hulyo 10, 2019 ng media ng Iran, sa isang pahayag nang araw ring iyon, sinabi ng Ministring Panlabas ng Iran na bukas pa rin ang Iran sa talastasan hinggil sa isyung nuklear.
Anang pahayag, hindi nais ng Iran ang paglikha ng maigting na kalagayan sa isyung nuklear, kung nais ng mga bansang Europeo na mapahupa ang kasalukuyang maigting na kalagayan, dapat tupdin nito ang obligasyon na tugunan ang ugat ng tension.
Dagdag ng pahayag, iginagalang pa rin ng Iran ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), pero sa kasalukuyang kalagayan, dapat pangalagaan ng Iran ang sariling karapatan at kapakanan. Diin ng pahayag, ang patakarang kontra Iran ng Amerika ang sanhi ng paglala ng isyung nuklear ng Iran.
Salin: Vera