|
||||||||
|
||
Sa isang regular na preskon kahapon, Enero 15, 2019, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magkasamang pangangalagaan ng Tsina at Biyetnam ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, at patuloy nilang palalakasin ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pamamahala sa hanggahang panlupa, at magkasamang paggagalugad para makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Ani Hua, noong Enero 14, idinaos sa Biyetnam ng mga pangalawang ministrong panlabas ng Tsina at Biyetnam ang pulong tungkol sa isyung panghanggahan na dinaluhan ng mga kinauukulang opisyal ng dalawang bansa.
Ayon kay Hua, sa nasabing pulong, lubos na pinapurihan ng dalawang panig ang ginagawang mahalagang papel ng mekanismo ng talastasang panghanggahan ng dalawang bansa sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon, maayos na pagkontrol sa alitan, at pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Inulit din ng dalawang panig na patuloy at mabuting isasakatuparan ang mga mahalagang pagkakasundo ng mga lider ng dalawang partido at bansa, ibayo pang palalakasin ang pagsasanggunian at kooperasyon, magkasamang pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |