Ayon sa Islamic Republic News Agency, opisyal na media ng Iran, Biyernes, Hulyo 12, 2019, muling hiniling ng Ministring Panlabas ng Iran na agarang palayain ang pinigil na oil tanker nito.
Anang pahayag, ang hinala ng Britanya na lumalabag ang oil tanker sa umano'y sangsyon, ay "ilegal at walang anumang batayan. Anito, hinihiling ng Iran sa Britanya na huwag sundin ang Estados Unidos at "maglaro ng apoy."
Noong Hulyo 4, pinigil ng UK ang isang oil tanker sa nakapaligid na karagatan sa Gibraltar. Tinukoy ng UK na inihahatid ng barkong ito ang crude oil sa Syria, at lumalabag sa ipinapataw na sangsyon ng Unyong Europeo (EU) laban sa Syria. Lulan ng nasabing barko ang crude oil mula sa Iran.
Salin: Guo