Inilabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang dokumento hinggil sa pagsasagawa ng kilusang Healthy China 2030.
Inilakip sa dokumento ang mga target na may kinalaman sa kalusugan ng mga mamamayang Tsino na dapat isakatuparan sa taong 2030, na gaya ng malaking pagtaas ng health literacy level, pagpapalaganap ng mga malusog na paraan ng pamumuhay, mabisang pagkontrol sa mga pangunahing elementong nakakaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan, pagbaba ng death rate sa mga chronic disease, malaking pagtaas ng healthy life expectancy, pag-abot ng mga pangunahing indeks na pangkalusugan sa lebel ng mga bansang may mataas na kita, pagsasakatuparan ng pagkakapantay-pantay sa kalusugan, at iba pa.
Salin: Liu Kai