Idineklara Martes, Hulyo 16, 2019 ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Pakistan na bukas na muli ang teritoryong panghimpapawid ng bansa sa lahat ng uri ng civilian flight.
Noong Pebrero ng kasalukuyang taon, sumiklab ang sagupaan ng Pakistan at India sa rehiyong Kashmir kung saan, pumasok ang mga eroplanong pandigma ng dalawang panig sa teritoryong panghimpapawid ng nasabing lugar. Noong Pebrero 26, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Pakistan na pansamantalang sinarhan ang teritoryong panghimpapawid nito na nakaaapekto sa negosyo ng maraming international aviation enterprises. Kaya naman, sinuspendi o kinansela ang kani-kanilang linyang panghimpapawid na dumaraan sa Pakistan.
Salin: Li Feng