Sa kanyang paglahok kamakalawa, Huwebes, ika-18 ng Hulyo 2019, sa isang pulong sa Brussels, Belgium, sinabi ni Chen Lifang, board member at senior Vice President ng Huawei Technologies Co. Ltd. ng Tsina, na nilagdaan na ng kanyang kompanya sa buong mundo ang mahigit 50 kontrata sa paggamit na komersyal ng 5G communication technology. Kabilang dito, 28 kontrata ang nasa Europa, dagdag niya.
Sinabi rin ni Chen, na noong unang limang buwan ng taong ito, ibinenta ng Huawei ang 100 milyong mobile phone sa buong daigdig. Aniya, ang sale volume na ito ay naisakatuparan mas maaga nang 50 araw kumpara sa noong isang taon.
Kaugnay naman ng Hongmeng operating system na lubos na binibigyang-pansin ng publiko, sinabi ni Chen, na ang sistemang ito ay hindi gagamitin para sa mobile phone, at sa halip, ito ay para sa paggamit na industriyal.
Salin: Liu Kai