Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga diplomatang Asyano, dumalaw sa CPPCC: diplomatang Pilipino, dumalo

(GMT+08:00) 2019-07-22 16:41:18       CRI

Beijing - Sa paanyaya ng Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pulitikal ng Tsina, dumalaw ngayong araw, Hulyo 22, 2019 sa bulwagang pang-asemblea ng CPPCC ang mga embahador at matataas na diplomata ng ibat-ibang bansa ng Asya sa Tsina.

Si Raphael C. Hermoso, 1st Secretary ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing

Bilang representante ng Pilipinas, dumalo sa pagtitipon si Raphael C. Hermoso, 1st Secretary ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing.

Sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, pinapurihan niya ang CPPCC sa pagdaraos ng naturang aktibidad, dahil malaking tulong aniya ito sa mga diplomatang kagaya niya upang mas malalim na maintindihan ang sistemang pambatas at pampuliika ng Tsina.

Marami aniya siyang natutunan tungkol sa mga sistema at polisiya ng Tsina sa mga nangyaring pagpaplitan sa aktibidad na ito.

Aniya pa, bilang isang umuunlad na bansa, maraming maaring matutunan ang Pilipinas sa sistemang pambatas ng Tsina.

Mga kalahok na embahador at matataas na diplomata ng ibat-ibang bansang Asyano

Ilan sa mga layon ng naturang aktibidad ay pasulungin ang mga napagkasunduan sa Ika-2 Belt and Road Forum for Interantional Cooperation (BRF), Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC), at Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA); palalimin ang pagkakaunawaan at kaalaman ng mga bansang Asyano sa demokratikong sistemang may katangiang Tsino; palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng CPPCC at mga kaukulang departamento ng mga bansa ng Asya; pasiglahin ang konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI); pag-ibayuhin ang diyalogong pansibilisasyon sa daigdig, at pasulungin ang magkasamang pagtatatag ng komong komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran para sa sangkatuhan.

Sa kanya namang pambungad na talumpati, ipinahayag ni Guo Jun, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng CPPCC ang pagtanggap at mainit na pagbati sa mga nasabing embahador at diplomata.

Inilahad din niya ang mga pundamental na kalagayan ng CPPCC na tulad ng esensya at tungkulin nito, mga bagong katangian, at nagawang ambag sa Ika-13 Sesyong Plenaryo ng CPPCC.

Sa kanya namang hiwalay na talumpati, inilahad naman ni Liu Jiaqiang, isa pang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng CPPCC, ang sistema ng multi-partido na kooperasyon at konsultasyong pulitikal ng Tsina.

Bilang opisyal na organong tagapayo ng Tsina, tungkulin ng CPPCC na pasiglahin ang demokrasya at magkakasamang pagsasanggunian tungkol sa mga suliraning pang-estado; tipunin ang komong palagay at puwersa ng lahat ng sektor ng lipunanng Tsino; at pabutihin ang kooperasyon ng mga sektor sa loob at labas ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Bukod dito, isa pang mahalagang misyon ng CPPCC ay palakasin ang pagpapalagayang panlabas, palalimin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at mga mamamayan, organisasyong pulitikal, at kaukulang departamento sa daigdig.

Ulat: Rhio
Photographer: Lito
Web Editor: Jade / Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>