Bilang tugon sa tanong ng mamamahayag ng La Agencia EFE, sinabi Marso 15, 2019, ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na ang Tsina at Unyong Europeo (EU) ay pinakamalaking magkapartner ng kalakalan, at sa mahabang panahon ng kooperasyon, natuto ang kapuwa panig sa karanasan ng pag-aalis ng pagkakaiba ng palagay at pagsasalungatan, at ang isa sa piankamahalaga sa mga ito ay pagpapalalim ng pag-uunawaan. Dapat patuloy na isagawa ang prinsipyong ito, saad pa niya.
Aniya, pinasusulong ang talastasan ng Tsina at EU upang maging mas bukas ang bilateral na pamumuhunan sa isa't isa, at ito ay nakakabuti sa dalawang panig.
Salin:Lele