Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga mamamahayag na Tsino't dayuhan, inilahad Marso 15, 2019, ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina kung paano ang paghahanapbuhay ay nagpapakita ng pag-unlad ng kabuhayan. Kaya, sa taong ito, gagawing priyoridad ng Tsina ang patakaran ng paghahanapbuhay, kasama ng mga patakarang pinansyal at pansalapi, sa mga makro-kontrol na patakaran.
Aniya, dapat idagdag ang mahigit 11 milyong trabaho sa mga lunsod at bayan.
Salin:Lele