Magkakasunod na ipinalabas ng iba't ibang panig ng Tsina ang kondemnasyon sa karahasan na naganap nitong nagdaang Linggo, Hulyo 21, sa Liaison Office ng Pamahalaang Sentral ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa Sai Wan.
Kahapon ng hapon, pagkatapos ng prosesyong pampubliko, ilang protestador ang sumugod sa Liaison Office at sinubukang pasukin ang tanggapan. Mayroon ding mga protestador na nagdungis sa pambansang sagisag ng Tsina at sumulat ng mapang-insultong pananalita.
Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng pamahalan ng HKSAR na hinding hindi katanggap-tanggap ang nasabing mga aksyon at buong-higpit na iimbestigahan ang mga aksyon, dahil lantarang nanghamak ang mga ito sa pambansang soberanya ng Tsina. Nagbanta rin ito sa kaligtasang pampubliko at patakarang Isang Bansa, Dalawang Sistema, dagdag pa ng tagapagsalita.
Nagpahayag din ng katulad na pagbatikos ang naturang Liason Office at Tanggapan ng mga Suliranin ng Hong Kong at Macao ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac