Ipinahayag Hulyo 22, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga pananalita ng Amerika at iba pang puwersang panlabas hinggil sa isyu ng South China Sea ay walang katotohanan at hindi naniniwala nito ang mga mamamayan ng nasabing rehiyon.
Hinimok din ni Geng ang Amerika na itigil ang di-responsibleng aksyon, igalang ang katotohanan at pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya sa paglutas ng hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo, at patingkarin ang positibong papel sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Salin:Lele