Inulit Martes, Hulyo 23, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabs ng Tsina, na ang Hong Kong ay nabibilang sa Tsina. Aniya, hinding hindi pinahihintulutan ng Tsina ang pakikialam ng anumang puwersang panlabas sa mga suliranin ng Hong Kong, at hinding hindi rin pinahihintulutan ang pagtatanim ng kaguluhan ng anumang puwersang panlabas sa Hong Kong.
Kaugnay ng insidenteng naganap kamakailan sa Hong Kong, tinukoy ng kaukulang panig ng Amerika na dapat igalang ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang kalayaan sa pananalita at pagtitipun-tipon. Sinabi ni Hua na ekstrimistang karahasan at krimen ang kasalukuyang kalagayan ng insidente, at direkta itong nakaka-apekto sa pundasyon ng pangangasiwa batay sa batas ng Hong Kong. Ito rin aniya ay lumabag sa pundamental na batas at mga batas na lokal ng Hong Kong, at malubhang humamon sa baseline ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Dagdag ni Hua, kinakatigan ng pamahalaang sentral ang mabisang adminsitrasyon ng pamahalaan ng HKSAR, ayon sa batas, at kinakatigan din ang pagpaparusa ng panig pulisya sa ilegal at marahas na aksyon ayon sa batas. Ito aniya ay para mapangalagaan ang katatagan ng lipunan ng Hong Kong.
Slain: Vera