Nagtipun-tipon kahapon ng hapon, Sabado, ika-20 ng Hulyo 2019, sa Tamar Park, at 3 iba pang lugar ng Hong Kong, ang mahigit 300 libong lokal na residente, bilang pananawagan para sa kapayapaan at katahimikan ng Hong Kong.
Sa ilalim ng temang "pangangalaga sa Hong Kong," itinaas ng mga taga-Hong Kong ang pambansang watawat ng Tsina at watawat ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong. Sumigaw sila ng mga islogan hinggil sa pagtutol sa karahasan at pagkatig sa panig pulisya para sa pagpapanatili ng kaayusang panlipunan alinsunod sa batas. Inilabas din nila ang deklarasyon bilang pananawagan para sa rule of law, kapayapaan, katahimikan, at pagkakaisa.
Lumahok sa mga pagtitipun-tipon ang mga taga-Hong Kong mula sa iba't ibang sektor, na gaya ng sirkulo ng alagad ng sining, sirkulo ng batas, sirkulo ng doktor, sirkulo ng turismo, sirkulo ng komersyo, at iba pa.
Salin: Liu Kai