Ayon sa datos ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong unang hati ng taong ito na inilabas kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nagsisilbing ika-2 pinakamalaking trade partner ng Tsina. Noong nagdaang 8 taon, nanatiling ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina ang ASEAN.
Sa kasalukuyan, ang Unyong Europeo (EU) ang pinakamalaking trade partner ng Tsina, at kasunod ng ASEAN ang Amerika.
Ayon sa datos, noong unang hati ng taong ito, 291.85 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng panindang inangkat at iniluwas ng Tsina sa ASEAN. Ito'y lumaki ng 4.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, at ito ay katumbas ng 13.5% ng kabuuang halaga ng panindang inangkat at iniluwas ng Tsina. Kabilang dito, 164.53 bilyong dolyares ang pagluluwas ng Tsina sa ASEAN, na lumaki ng 7.9%. Samantala, 127.32 bilyong dolyares naman ang pag-aangkat ng Tsina mula sa ASEAN, na bumaba ng 0.2%.
Kabilang sa mga bansang ASEAN, nanguna ang kabuuang halaga ng kalakalan ng paninda sa pagitan ng Biyetnam at Tsina. Kasunod nito ay Malaysia, Thailand, Singapore, Indonesia at Pilipinas, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Vera