Ayon sa pagsisiwalat ng pulong ng mga mataas na opisyal na pangkabuhayan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ipininid kamakalawa, Huwebes, ika-18 ng Hulyo 2019, sa Bangkok, Thailand, sa pulong ng mga ministrong pangkabahayan ng ASEAN na idaraos sa darating na Setyembre ng taong ito, lalagdaan ang dalawang kasunduan hinggil sa mutual recognition arrangement para sa mga sasakyan at piyesa ng sasakyan, at pagpapabuti ng mekanismo ng paglutas sa mga hidwaan.
Ayon pa rin sa naturang pulong, ang paglalagda sa dalawang kasunduang ito ay makakabuti sa malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai