|
||||||||
|
||
Ipinadala nitong Miyerkules, Hulyo 24, 2019 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Boris Johnson bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang UK Prime Minister.
Sa mensahe, ipinahayag ni Li na nitong ilang taong nakalipas, umuunlad sa kabuuan ang relasyong Sino-Britaniko, at mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Dagdag ng premyer Tsino, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Britanya upang mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal at mapalawak ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan, sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa at pantay na pakikipamuhayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |