Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-2 CIIE, magkakaroon ng plataporma ng pagpapalabas ng mga impormasyon

(GMT+08:00) 2019-07-26 16:31:24       CRI
Isinalaysay ngayong araw, Biyernes, ika-26 ng Hulyo 2019, ni Wang Bingnan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Puno ng Tanggapan ng Lupong Tagapag-organisa ng China International Import Expo (CIIE), na nakatakdang idaos mula ika-5 hanggang ika-10 ng darating na Nobyembre ng taong ito sa Shanghai ang ika-2 CIIE.

Kaugnay ng mga bagong elemento ng gagawing ekspong ito, isiniwalat ni Wang, na magkakaroon ang ekspo ng isang plataporma ng pagpapalabas ng mga impormasyon. Aanyayahan aniya ang mga kalahok na kompanya na ilabas ang mga impormasyon hinggil sa mga bagong produkto, teknolohiya, serbisyo, at iba pa. Puwede ring ilabas sa plataporma ng mga departamento ng pamahalaang Tsino, samahang industriyal, at organisasyong pandaigdig, ang mga bagong patakaran ng pagbubukas sa labas, ulat ng pag-aaral, at iba pa, dagdadg ni Wang.

Sinabi rin niyang, sa ika-2 CIIE, itatatag ang sentro ng paglilingkod para sa pangangalaga sa IPR. Magkakaloob aniya ito ng serbisyo ng pangangalaga sa IPR sa mga kalahok na kompanya, at bubuo rin ng plataporma ng pagpapalitan hinggil sa pandaigdig na pangangalaga sa IPR.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>