Sinabi kahapon, Sabado, ika-27 ng Hulyo 2019, sa Geneva, Switzerland, ni Chen Xu, Pirmihang Embahador ng Tsina sa mga organo ng United Nations (UN) sa Geneva, na hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 50 ang bilang ng mga bansang pumirma sa magkakasanib na liham sa UN Human Rights Council at UN High Commissioner for Human Rights, para ipahayag ang pagkatig sa posisyon ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang. Sinabi rin niyang, ilan pang bansa ang nagpahayag ng katulad na pagkatig, sa pamamagitan ng pagpapadala ng sariling liham, pagpapalabas ng komunike, at iba pa.
Dagdag ni Chen, ipinakikita ng aksyon ng naturang mga bansa, na malawak na kinikilala ng komunidad ng daigdig ang mabuting kalagayan ng pangangalaga sa karapatang pantao sa Xinjiang, at mga natamong bunga sa paglaban sa terorismo at pag-aalis ng ekstrimismo sa lugar na ito.
Salin: Liu Kai