|
||||||||
|
||
Nitong Linggo, Hulyo 28, 2019, nagrali nang walang pahintulot ang ilang personahe sa iba't-ibang lugar ng Hong Kong kung saan binalewala ng ilang radikal na ralyista ang batas at sinira ang katahimikang panlipunan sa pamamagitan ng marahas na aksyon. Mahigpit itong kinondena ngayong madaling araw, Hulyo 29, ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Ayon sa kapulisan ng Hong Kong, di-kukulangin sa 49 na katao ang arestado sa nasabing demonstrasyon. Ang mga ito ay pinaghihinalaang may-kagagawan sa mga krimeng gaya ng pagsasagawa ng di-aprobadong demonstrasyon, at pagtatago ng mga sandata.
Ipinahayag ng kapulisan ng Hong Kong ang mahigpit na pagkondena sa nagawang krimen ng mga radikal na ralyista na kinabibilangan ng malwakang pagsira sa mga pampublikong bagay, pagsunog sa iba't-ibang sulok, pag-atake sa mga pulis gamit ang mga nakakamatay na kagamitan, at iba pa. May determinasyon at kakayahan ang panig pulis ng Hong Kong na dakpin ang mga lumalabag sa batas, anang pahayag.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |