Kaugnay ng koment hinggil sa kalagayan ng HKSAR na isinapubliko kamakailan ng United States Department of State's Country Reports on Human Rights Practices 2018, ipinahayag Marso 14, 2019 ng tagapagsalita ng pamahalaan ng HKSAR, na sapul ng pagbalik ng HK sa Tsina, matagumpay ang pamahalaan ng HKSAR sa pagsasakatuparan ng "Pangangasiwa sa HK ng mga taga-HongKong, Mataas na awtonomiya, at Isang bansa, Dalawang sistema," na itinakda sa Saligang Batas ng HKSAR. Aniya, buong lakas na nagsisikap ang pamahalaan ng HKSAR para pangalagaan ang usapin ng karapatang pantao, alinsunod sa Saligang Batas, Hong Kong Bill of Rights Ordinance, at iba pang may-kinalamang regulasyon. Aniya, hindi dapat makialam ang ibang bansa sa mga suliraning panloob ng HKSAR sa pamamagitan ng anumang paraan.