|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag ng panig opisyal ng Tsina nitong Linggo, Hulyo 28, milyun-milyong toneladang soy bean ng Amerika ang ikinarga patungong Tsina. Ito ang pinakahuling progreso hinggil sa pagbili ng mga bahay-kalakal na Tsino ng mga produktong pang-agrikultura mula sa Estados Unidos, makaraang magtagpo ang mga puno ng estado ng dalawang bansa sa sidelines ng G20 Osaka Summit noong Hunyo.
Kasabay nito, ipinalatastas ng administrasyong Amerikano ang pag-alis ng karagdagang taripa sa 110 aytem ng mga produktong industriyal ng Tsina. Ipinahayag din ng pamahalaang Amerikano ang kahandaang pasulungin ng mga negosyong Amerikano ang patuloy na pagsusuplay ng produkto para sa mga may kinalamang bahay-kalakal na Tsino.
Sa hinaharap, patuloy na magtatanong ang mga kompanyang Tsino hinggil sa presyo ng mga panindang agrikultural na gaya ng soy bean, bulak, karneng baboy, sorghum, trigo, mais, produktong gatas, at iba pa. Kung katanggap-tanggap ang presyo at mataas ang kalidad, inaasahang magkakaroon ng bagong kasunduan sa pagbili.
Kasabay nito, hiniling din ng panig Tsino sa panig Amerikano na magsagawa ng mga konkretong hakbangin para matupad ang mga pangako nito at lumikha ng mainam na kondisyon para sa pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |