Nag-usap sa telepono nitong Martes, Hulyo 9, sina Liu He, Pangalawang Premyer at punong negosyador ng Tsina; Robert Lighthizer, Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan, batay sa napagkasunduan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa kanilang pag-uusap sa sidelines ng G20 Osaka Summit, nitong nagdaang Hunyo.
Nakilahok din sa pag-uusap si Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Sa kanilang pag-uusap sa Osaka, nagkasundo sina Xi at Trump na panunumbalikin ang pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa, batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan. Ipinahayag ng panig Amerikano na hindi nito ipapataw ang karagdagang taripa sa mga produktong Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio