|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Lunes, Hulyo 29 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat pangalagaan ang prinsipyo ng espesyal at may pagkakaibang pakikitungo sa mga umuunlad na miyembro ng World Trade Organization (WTO).
Isang memorandum ang inilabas ng Amerika noong nakaraang Biyernes na humihiling sa WTO na baguhin ang pamamaraan nito sa pagtatakda ng mga umuunlad na bansa, at ilang beses na binanggit ang Tsina.
Bilang tugon, sinabi ni Hua na kailangang igalang ng WTO ang mithiin ng lahat ng mga miyembro at ang nasabing prinsipyo ng espesyal na pakikitungo ay nagpapakita ng pinakabuod na pagpapahalaga at saligang prinsipyo ng WTO.
Ang pagtatakda ng mga umuunlad na miyembro sa WTO ay kailangang umasa sa pamamagitan ng konsultasyon sa pagitan ng mga miyembro, lalo na ng paggalang sa kuru-kuro ng mga umuunlad na bansa.
Dagdag pa ni Hua, bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, iginigiit ng Tsina ang katayuan nito bilang umuunlad na bansa. Dahil hindi nais ng Tsina na talikuran ang mga dapat nitong isabalikat na responsibilidad, kundi katigan ang mga saligang karapatan ng mga umuunlad na bansa at pangalagaan ang katarungan at pagkakapantay-pantay ng daigdig.
Inulit din ng tagapagsalitang Tsino ang pangako ng Tsina na tulungan ang ibang mga umuunlad na bansa na isakatuparan ang komong kaunlaran, pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at itulak ang reporma ng WTO sa tamang direksyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |