Osaka — Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag tungkol sa reporma sa World Trade Organization (WTO), sinabi ni Wang Xiaolong, Espesyal na Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa G20 at Puno ng Departamento ng Kabuhayang Pandaigdig ng ministring ito, na sa isyu ng reporma sa WTO, mayroong pundamental na komong palagay ang mga kasapi ng G20.
Tinukoy ni Wang na taglay ng WTO ang tatlong misyong kinabibilangan ng talastasan, superbisyon, at paglutas sa hidwaan. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng reporma, mapapalakas ang nasabing tatlong usapin para mapatingkad ang karapat-dapat na tungkulin. Dapat ipauna ng nakakaraming kasapi ng WTO at G20 ang reporma sa dispute-settlement system ng WTO, ani Wang.
Salin: Li Feng