Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagkakapantay-pantay at mutuwal na paggalang, kailangan sa usapang pangkalakalan ng Tsina at Amerika

(GMT+08:00) 2019-08-01 09:02:58       CRI

Matapat, episyente, at konstruktibo; ito ang naging paglalarawan sa dalawang araw na pag-uusap kamakailan ng mga representanteng pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa Shanghai, lunsod sa gawing silangan ng Tsina.

Isa sa mga pangunahing paksang tinalakay sa 12 round na pag-uusap ay ang pagbili ng Tsina ng mas maraming produktong agrikultural mula sa Amerika.

Inaasahang magbibigay ng mas paborableng pasilitasyon ang Amerika sa usaping ito.

Bukod dito, nagkasundo ang dalawang panig na itakda ang susunod na pag-uusap sa susunod na Setyembre, sa Amerika.

Ang pag-unlad na ito ay hindi madaling nakamtan, dahil dinanas ng dalawang panig ang maraming pagsubok mula nang magsimula ang nasabing talastasan noong Pebrero 2018.

Nagkaroon ng maraming hadlang ang negosasyon magmula nang unilateral na inimplementa ng Washington ang mga karagdagang taripa sa mga produktong Tsinong nagkakahalaga ng $200 bilyong dolyar noong Mayo, at pagbalewala sa mga protesta mula sa Beijing.

Ang hakbang na ito, na labag sa konsensong narating ng mga lider ng Tsina't Amerika sa G20 Argentina Summit noong nakaraang taon ay may negatibong epekto rin sa ekonomiya ng mundo.

Sa pinakabagong world economic outlook report, nirebisa ng International Monetary Fund (IMF) ang forecast nito para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 3.2 porsiyento para sa 2019 at 3.5 porsiyento para sa 2020: ang mga ito ay mas mababa ng 10 basehang punto kumpara sa mga projection noong Abril.

Pinatutunayan ng kasaysayan na walang sinuman ang mananalo sa digmaang pangkalakalan, at ang kooperasyon ang siyang tanging paraan at tanging tamang pagpili para sa Tsina at Amerika.

Nagkasundo ang mga lider ng dalawang bansa na bunalik sa tumpak na landas at ipagpatuloy ang pag-uusap, base sa pagkakapantay-pantay, at mutuwal na paggalang sa G20 Osaka Summit noong Hunyo.

Ang konsensong ito ay nasasalamin sa mga diskusyon hinggil sa pagbili ng Tsina ng mas maraming produktong agrikultural mula sa Amerika, ayon sa domestikong pangangailangan ng Tsina, at paggawa ng mga preperensyal na hakbang ng Amerika para sa usaping ito.

Bukod dito, nagkasundo rin ang dalawang panig na ipagpatuloy ang mataas na antas na konsultasyon sa Amerika sa lalong madaling panahon.

Ipinakita ng dalawang panig ang kanilang kagustuhang muling magtagpo, base sa parehas na kondisyon at ipagpatuloy ang momentum upang lalo pang maisulong ang diyalogo hanggang maayos lahat ang di-pagkakaunawaan.

Taglay ng Beijing at Washington ang lahat ng dahilan upang isulong ang nasabing negosasyon.

Ipinakikita ng resulta ng pinakabagong round ng pag-uusap, na hindi nangingimi ang dalawang panig na talakayin ang mga sensitibo at mahihirap na isyu, bagkus sila ay nagpalitan ng pananaw hinggil sa ibat-ibang paksang nasa kanilang nukleong pagpapahalaga.

Sinasalamin nito ang pragmatikong paraan ng dalawang panig upang maresolba ang mga problema at di-pagkakaunawaan.

Para maituloy ang positibong pag-usad ng usapan, ang susi ay ang pag-i-implementa sa Osaka Consensus, pagtalima sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay, at mutuwal na pagggalang, at respeto sa mga nukleong isyung pinahahalagahan ng dalawang panig.

Ang paglulunsad ng malakas na presyur ay magreresulta lamang sa walang kasiguruhan, at malamang na magdulot ng di-magandang resulta sa pagresolba ng problema.

Samantala, ilang beses namang ipinahayag ng Beijing ang posisyon nito hinggil a bottom line ng bansa.

Hinding-hindi papayag ang Tsinang magkaroon kompromiso pagdating sa usaping ito.

Salin: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>