|
||||||||
|
||
Biglang ipinatalastas kamakailan ng pamahalaang Amerikano na mula unang araw ng Setyembre, 2019, ipapataw nito ang 10% taripa sa mga ini-aangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares. Nitong ilang araw na nakalipas, magkakasunod na ipinahayag ng mga sektor ng Amerika ang kanilang pagtutol sa posisyong ito ng pamahalaang Amerikano.
Sa artikulong ipinalathala ng pahayagang "New York Times," tinukoy nito na ang muling paglulunsad ng Amerika ng tariff war sa Tsina, ay nagpapalala sa maigting na kalagayan ng kalakalang pandaigdig, at nagpapababa sa mga pangunahing stock index.
Sinipi ng American Cable News Network (CNN) ang opinyon ng tagapag-analisang Amerikano na nagsasabing ang panibagong tariff hike ng pamahalaang Amerikano ay posibleng magdudulot ng napakalaking pinsala sa kabuhayang pandaigdig. Dahil sa paglala ng trade war, tumaas na ang panganib ng global recession, anito pa.
Nagbabala ang Bloomberg na sa kalagayan ng napagkasunduan ng Tsina at Amerika sa katatapos na Ika-12 Trade Talks sa Shanghai na ituloy ang kanilang pagsasanggunian sa susunod na buwan, ang nasabing aksyon ng Amerika ay sumasagisag ng muling paglala ng trade war sa pagitan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
Tinukoy din ng maraming pangunahing mediang Amerikano na ang nasabing tariff hike ng pamahalaang Amerikano ay nagbunsod ng napakalaking pagkagalit ng sirkulo ng bahay-kalakal ng bansang ito. Palagian nilang isinusulong ang pagbibigyang-wakas ng pamahalaang Amerikano sa trade war. Sa kanilang mata, nagiging mas malaki ang negatibong epekto ng trade war sa kabuhayan ng Amerika at buong daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |