Ipinahayag Lunes, Agosto 5, 2019 ng panig kapulisan ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) na mula noong Agosto 4 hanggang 5, walang humpay na lumalala ang karahasan ng mga radikal na demonstrador. Sinunog nila ang iba't-ibang lugar, binato ang mga istasyon ng pulis, at hinagisan ng pinagdududahang asido ang mga pulis. Hanggang sa ngayon, inaresto ng panig kapulisan ang 44 katao sa salang ilegal na demonstrasyon, pagtatago ng mga mapanganib na sandata, at iba pa.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Linggo gabi ng isang tagapagsalita ng pamahalaan ng HKSAR na ang kasalukuyang lumalalang tensyon ay muling nagpapakita ng walang humpay na pagkalat ng karahasan at ilegal na kilos protesta. Isinusulong aniya ng mga ito ang pagtungo ng Hong Kong sa napakapanganib na situwasyon, at mahigpit itong kinonkondena ng pamahalaan ng HKSAR. Hinhimok din niya ang mga residente na magkakasamang magsikap para mapanumbalik ang normal na kaayusang panlipunan sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito