Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-9 ng Agosto 2019, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa noong isang buwan ay lumaki ng 2.8% kumpara sa gayon ding panahon ng nagdaang taon.
Ayon pa rin sa estadistika, ang kasalukuyang paglaki ng CPI ay pangunahin na, dinulot ng pagtaas ng presyo ng mga pagkaing gaya ng karne ng baboy at prutas. Ito ay pinag-uukulan ng pansin ng pamahalaang Tsino, at isinasagawa na ang mga hakbangin para mapahupa ang kalagayan, dagdag ng ulat.
Salin: Liu Kai