|
||||||||
|
||
Idinaos sa Beijing nitong Martes, Hulyo 30, 2019 ang Pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan, isinaayos ang kagawaing pangkabuhayan sa huling hati ng kasalukuyang taon. Tinukoy sa pulong na dapat palalimin ang supply-side structural reform, pataasin ang pundamental na kakayahan ng industriya at lebel ng industrial chain, galugarin ang potensyal ng pangangailangang panloob ng bansa, at patatagin ang pamumuhunan sa industriya ng paggawa. Ipinahayag ng mga personahe mula sa sirkulo ng bahay-kalakal at mga eksperto sa ekonomiya ng Tsina na napakalaki ng espasyo ng mabisang pamumuhunan ng bansa, partikular na sa larangan ng ikakabuhay ng mga mamamayan. Para rito, kailangan anilang ilabas ang mas maraming potensyal ng pamumuhunan at pag-unlad.
Noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumampas sa 45 trilyong Yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 6.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Lumampas din sa 60% ang contribution rate ng konsumo sa paglaki ng kabuhayan.
Ayon sa nasabing pulong, noong unang hati ng taong ito, napanatili ang tunguhin ng matatag na pag-unlad, at napanatili rin sa makatwirang lebel ang mga pangunahing macro-economy index. Bunga nito, patuloy na tumataas ang lebel at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, at dumarami ang mga positibong elementong nakakapagpasulong sa de-kalidad na pag-unlad.
Maliban dito, tinukoy rin sa pulong na dapat malalim na paunlarin ang potensyal ng pangangailangang panloob ng bansa, at mabisang patakbuhin ang pamilihan sa kanayunan, at palawakin ang konsumo sa pamamagitan ng reporma. Anang mga eksperto, ang mga ito ay makakapaghatid ng mas maraming pagkakataon para mapataas ang kalidad at lebel ng mga bahay-kalakal at industriya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |