Idinaos nitong Miyerkules, Agosto 7, sa Shenzhen, siyudad sa dakong timog ng Tsina ng iba't ibang sektor ng Hong Kong ang talakayan hinggil sa kalagayan ng rehiyon. Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa mga sirkulo ng komersyo at industriyal, at mga samahang sibil ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Ipinahayag ng mga kalahok ang suporta sa pamahalaan ng HKSAR, at pagpigil ng pulisya sa karahasan, para mapanumbalik ang kaayusan ng lipunan sa lalong madaling panahon.
Ang nasabing talakayan ay nasa pagtataguyod ng Tanggapan ng mga Suliranin ng Hong Kong at Macao ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina at Tanggapan ng Pag-uugnayan ng Pamahalaang Sentral sa HK.
Salin: Jade
Pulido: Rhio