Isang grupo ng mga mamamayan ng Hong Kong (HK) ang natipun-tipon nitong Huwebes, Agosto 8 sa daungan ng Victoria Harbor para ipahayag ang kanilang paggalang sa pambansang sagisag at watawat ng inang bayan.
Sinabi nilang ang pambansang watawat ay simbolo ng bansa at dignidad ng nasyong Tsino, at hinding hindi pinahihintulutan ang pagdungis dito. Umaasa rin silang paparusahan ng pulisya ng HK ang mga radikal para bumalik sa normal ang lipunan sa lalong madaling panahon.
Mababasa sa kanilang mga islogan ang mga katagang "magkapamilya ang mga taga-Hong Kong at taga-Mainland," "magkakababayan at magkakapuso ang mga mamamayan," "igalang ang pambansang sagisag at watawat at ipagtanggol ang patakarang Isang Bansa Dalawang Sistema, " at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio