Ang aksyon ng pagdungis sa pambansang watawat ng Tsina, na ginawa kamakailan sa Hong Kong ng mga radikal na demonstrador, ay ikinapopoot at kinokondena ng mga mamamayan sa Hong Kong, at buong Tsina. Isinasagawa rin ang isang kilusan ng pagtatanggol sa pambansang watawat.
Kagabi, sa mga malaking LED screen sa ilang gusali sa magkabilang pampang ng Victoria Harbor, Hong Kong, lumitaw ang mga islogang gaya ng "mas maganda ang kinabukasan ng Hong Kong," at "We love Hong Kong," at ang larawan ng pambansang watawat ng Tsina. Ipinakikita ng mga ito ang kompiyansa ng mga lokal na residente sa kinabukasan ng Hong Kong, at kanilang pagmamahal sa inangbayan.
Samantala, sinimulan naman ng China Media Group sa mga social network na gaya ng Weibo at Wechat ang kilusan ng pagtatanggol sa pambansang watawat. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga may kinalamang artikulo ay may halos 2 bilyong pagbasa, mahigit 10 milyong re-post, at mahigit 400 libong koment.
Salin: Liu Kai