|
||||||||
|
||
Sinabi ng isang tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Britanya na nag-usap sa telepono nitong Biyernes sina Dominic Raab, Ministrong Panlabas ng Britanya, at Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Kaugnay nito, ipinagdiinan nitong Sabado, Agosto 10, 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi pinahihintulutan ang anumang foreign interference. Aniya, solemnang hinihiling ng panig Tsino sa panig Britaniko na agarang itigil ang lahat ng aksyon ng pakiki-alam sa mga suliranin ng Hong Kong at panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Ani Hua, ang kasalukuyang Hong Kong ay isang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina sa halip ng kolony ng Britanya. Naging kamalian ang pakikipagtelepono ng pamahalaang Britaniko sa Punong Ehekutibo ng HKSAR para ipataw ang presyur, dagdag ni Hua.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |