Sa panahon ng katatapos na pagdalaw sa Tsina ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, nilagdaan ng mga bangko sentral ng Tsina at Hapon ang Bilateral Currency Swap Agreement. Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Oktubre 30, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na layon ng nasabing kasunduan na pangalagaan ang katatagan ng pinansya ng dalawang bansa, at katigan ang pag-unlad ng mga bilateral na aktibidad na pangkabuhayan at pinansyal.
Ayon sa salaysay, ang nasabing kasunduan ay nagkakahalaga ng 200 bilyong yuan RMB, at may 3 taong validity. Kung sasang-ayon ang magkabilang panig, maaari itong pahabain.
Salin: Vera