Ipinahayag nitong Linggo, Agosto 11, ni Superintendent Louis Lau Siu-pong ng Pulisya ng Hong Kong, na may kapangyarihan ang mga pulisya na pumasok sa mga lugar at magpatupad ng batas. Winika ito ni Lau bilang tugon sa paghadlang ng mga tao sa pagpasok ng mga pulis sa mga lugar na pampubliko at magpapatupad ng batas, matapos tanggapin ang reklamong kriminal.
Sinabi ni Lau na nitong gabi ng Sabado, makaraang tanggapin ng pulisya ang reklamo, pumunta sila sa isang panirahan sa Tsuen Wan para magpatupad ng batas. Naghiyawan ang ilampung residente bilang pagtutol sa isinasagawang pag-iimbestiga ng mga pulis sa loob ng panirahan.
Kaugnay nito, sinabi ni Lau na ayon sa Artikulo 232 ng Batas ng Hong Kong at Artikulo 50 ng Regulasyon ng Pulisya ng Hong Kong, may karapatan ang mga pulis na arestuhin ang suspek at pumasok sa pribado at pampublikong lugar, kung may sapat na katibayang may paglabag sa batas.
Salin: Jade
Pulido: Mac