Ipinahayag Sabado ng gabi, Agosto 10, 2019 ng isang tagapagsalita ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na naganap nang araw ring iyon ang mga ilegal na demonstrasyon sa Kowloon at New Territories na nagdulot ng grabeng epekto sa pangkagipitang serbisyo at aktibidad na komersyal.
Anang tagapagsalita, ang sustenableng ilegal na kilos protesta ay nakakaapekto ng malaki sa karaniwang pamumuhay ng mga residente. Inulit din niya na hihigpitan ng panig kapulisan ang pagpapatupad ng batas para mabigyan ng parusang pambatas ang mga ilegal na demonstrador.
Salin: Lito