Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ana Abejuela: Mas pagbubukas ng pamilihang Tsino, magandang balita sa sektor ng agrikultura

(GMT+08:00) 2019-04-27 17:41:04       CRI

Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Abril 26 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang limang bagong hakbang para sa ibayo pang pagbubukas sa labas ng bansa. Isa sa mga ito ay ibayo pang palalakihin ang pag-aangkat ng mga paninda at serbisyo. Ipinangako ni Xi na ibayo pang ibababa ng Tsina ang taripa at babawasan ang mga non-tariff barriers, at pag-aangkat ng mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural, finished product, at serbisyo.

Si Ana Abejuela

Hinggil dito, sinabi ni Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Beijing na winewelkam ng kanyang tanggapan ang mga pahayag ni Pangulong Xi Jinping. Aniya sa wikang Ingles, "Ito ay isang hamon para sa mga exporter ng Pilipinas dahil ang tanong ngayon ay kung may sapat bang supply para tugunan ang pangangailangan ng merkadong Tsino."

Dagdag ng Agriculture Counsellor na kahit hindi pa kaya sa loob ng short-term o maikling panahon, dahil ang commitment at bukas na pamilihan ay nariyan na, maaaring pagplanuhan ito ng panig Pilipino. Mungkani niyang dapat isama sa plano ang mas mataas na produksyon ng mga export sa Tsina sa loob ng dalawa o tatlong taon.

Si Ana Abejuela habang kinakapanayam ni Mac Ramos

Hinggil naman sa pangakong gagawing matatag ang renminbi at pananatilihin ang halaga nito, tugon ni Abejuela na mas magkakaroon ng lakas ng loob ang sektor na mag-export at mag-import. Umaasa siyang magpapatuloy ang momentum ng mas mataas na exports sa Tsina. Sinabi rin niyang kasalukuyang inaasikaso ng Kagawaran ng Pagsasaka (DoA) ang pagdaragdag ng mas maraming uri ng produktong agrikultural mula sa Pilipinas upang makapasok sa pamilihan ng Tsina.

Ulat : Mac Ramos
Larawan : Lele Wang
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>