Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

149 katao, inaresto kaugnay ng kaguluhan sa Hong Kong

(GMT+08:00) 2019-08-13 11:01:13       CRI

HONG KONG, Agosto 12 – Inaresto ang 149 katao kaugnay ng mga marahas na kilos protesta nitong nakaraang ilang araw ayon sa pahayag ng Hong Kong police nitong Lunes.

Ani Tang Ping-keung, Deputy Police Commissioner sa isang press briefing kahapon, habang isinasagawa ang mga protesta, lumabag sa batas at nagsagawa ng karahasan ang mga radikal na rioters.

Dahil sa kaguluhang kanilang nilikha, lubhang naapektuhan ang pamumuhay ng publiko at naging banta sa kanilang kaligtasan.

Ang 149 katao ay inaresto sa pagitan ng Agosto 9 hanggang Agosto 12, at kinabibilangan ng 111 lalaki at 38 babae, na may edad na 15 hanggang 53 taong gulang. Sila'y pinaghihinalaang nagsagawa ng mga krimeng kinabibilangan ng unlawful assembly, pag-atake sa pulis, paghadlang sa mga pulis sa kanilang pagsasagawa ng kanilang tungkulin, pagdadala ng mapanganib na sandata at bagay.

Sinabi ni Tang na nitong Agosto 11, ipinagwalang-bahala ng ilang mamamayan ang pagtutol ng mga pulis at sumali sa mga ipinagbabawal na mga rally. Ang ilan sa mga ito ay nagtungo sa iba't ibang lugar sa Hong Kong at hinarangan ang mga kalsada at daanan, kunubkob ang mga istasyon ng pulis at sinira ang mga sasakyan ng pulis.

Sa Tsim Sha Tsui, Kowloon Peninsula, isang grupo ang naghagis ng molotov o petrol bombs sa police station, na nagdulot ng pagkasunog ng binti ng isang pulis. Napag-alaman ng awtoridad na ang mga protestador ang nasa likod ng lubos na marahas na pagkilos kaya isinagawa nila ang intelligence-led operations saka inaresto ang 15 utak ng kilos protesta noong Agosto 11 sa Causeway Bay, Hong Kong Island.

Nanawagan si Tang sa mga protestador na itigil ang paggamit ng karahasan para guluhin ang lipunang Hong Kong at umaasa siyang agad na manunumbalik ang katahimikan sa Hong Kong.

Kinukunan ng isang mamamahayag ang mga ibidensyang ipinakita ng pulis sa isang Hong Kong police headquarters nitong Agosto 12, 2019

Si Tang Ping-keung, Deputy Police Commissioner ng Hong Kong, na nagbibigay pahayag sa press briefing na ginanap sa isang police headquarters sa Hong Kong nitong Agosto 12, 2019.

Salin: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>