Sa harap ng matinding karahasan sa Hong Kong, ang siyang tanging kalutasan ay pananangan sa pangangasiwa ayon sa batas. Ito ang sinabi ni Han Dayuan, propesor sa batas ng Renmin University of China, sa preskon nitong Huwebes, Agosto 15, ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina. Mayaman ang tradisyon ng Hong Kong pagdating sa pangangasiwa ayon sa batas, kaya, batay rito, maaaring lutasin ang lahat ng mga alitan, itulay ang pagkakaiba, at muling makamtan ang konsenso, dagdag ni Han.
Sinabi naman ni Zou Pingxue, Direktor ng Sentro para sa mga Saligang Batas ng Hong Kong at Macao Special Administrative Regions ng Shenzhen University, na lumabag kamakailan sa iba't ibang batas ng Hong Kong ang mga radikal na protestador. Nanawagan din siya sa mga mamamayan, magulang at guro ng Hong Kong na tutulan at tanggihan ang anumang aksyong naglalayong manulsol sa mga mag-aaral na makilahok sa mga ilegal na aktibidad.
Ipinalalagay naman ni Zhao Kejin, Pangalawang Dekano ng Paaralan ng Agham na Panlipunan ng Tsinghua University, na ang mga isyu ng Hong Kong ay may malalim na pandaigdig na background. Paliwanag ni Zhao, makaraang bumalik sa inang-bayan ang Hong Kong noong 1997, sa halip ng pagbabago ng patakaran nito sa Hong Kong noong panahon ng Cold War, nagiging mas lantaran ang pakikialam ng Amerika sa mga suliranin ng Hong Kong. Ito ang pinakaugat na dahilan ng kaguluhan kamakailan sa Hong Kong, diin ni Zhao. Hiniling niya sa panig Amerikano na itakwil ang mentalidad na kolonyal at Cold War, at itigil ang tangkang pagpigil sa pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng Hong Kong.
Salin: Jade
Pulido: Mac